Una sa Balita

Marcus Adoro ng E-Heads sa anak: You will be raped

0 751

Nagsalita na rin ang anak ni Eraserheads lead guitarist Marcus Adoro tungkol sa pagiging abusado nito.

Sa kanyang Facebook post, nilahad ni Syd Hartha Chua ang iba-ibang klase ng pang-aabuso na dinanas niya sa ama.

Ang pang-aabuso umano pala ng kanyang ama ang dahilan kaya nilalayo siya ng kanyang nanay at iba pang kaanak dito.

Hindi lang isang beses umano siyang sinaktan ng ama kaya araw-araw ay bitbit niya ang takot na baka mangyari ulit ito sa kanya.

Binahagi rin ni Chua ang ilang palitan nila ng mensahe ni Adoro kung saan makikita ang mga kabastusan ng kanyang ama.

Sinabihan din nito ang anak na mari-rape ito pero wala itong gagawin at hindi magsusumbong dahil sa ugali umano nito ay baka maging f*ck buddy pa ng kanyang anak ang mga kainuman nito o baka ito pa ang magyaya para maulit.

“You will be raped. but you not do anything about it kasi nakakahiya. Pag ni rape ka ng mga kainan (kainuman) mo, kahit pa gangbangin ka nila hindi ka magsusumbong. Sa ugali mong yang? Baka maging fubu mo pa sila lahat. O baka ikaw pa mismo magyaya para maulit,” ang ilan sa mensahe ng kanyang ama kay Chua. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy