Una sa Balita

Marcos sinupalpal ng Comelec sa pagsisinungaling

0 7,687

Tinuldukan na ng Commission on Elections (Comele­c) ang usapin tungkol sa pinagdedebatihang shading threshold sa nangyayaring ma­nual recount, nang iginiit nito na 25% ang minimum shade na tinatanggap ng mga makina noong nakaraang eleksyon, taliwas sa posisyon ng kampo ni datin­g Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na 50% thres­hold dahil sa ito raw ang pinaiiral ng poll body.

Sa isinumiteng komento sa Supreme Court na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), sinabi ng Comele­c na tinakda nito sa 25% threshold noong 2016 election upang sigu­ruhin na hindi masasa­yang ang mga boto dahil sa ‘inadequate shading,­’ habang pini­pigilan ang pagtanggap ng mga vote counting machine (VCM) sa ‘accidental or unintended small marks’ na maa­a­ring makita sa balota.

Ayon pa sa Comelec, nag-set sila ng threshol­d percentage upang pabilisin ang proseso ng pagboto—bilang aral sa karanasan noong 2010 election, kung saan ibina­balik pa sa mga botante ang kanilang balota kapag ni-reject ito ng VCM dahil sa inadequate shading.

Para sa ahensiya, dapat lamang obserbahan ng PET ang 25% threshold dahil ito ang nagsilbing basehan ng pag-deklara ng lahat ng nanalo sa national at local election noong 2016. Iginiit din nito na gaya ng PET, mayroon din silang ‘constitutiona­l power­,’ bilang tagapamuno ng halalan, upang magdesisyon tungkol sa lahat ng mga isyung pang-eleksyon.

Pinagsumite ng PET ang Comelec ng sarili nitong comment tungkol sa mosyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo para sa 25% threshold, matapos pumanig ng Office of the Solicitor Genera­l—ang dapat na abogado ng ahensiya—sa paggamit ng lumang 50% threshold sa manual recount, para sa protestang inihain ni Bongbong Marcos.

Matapos ilabas ang nasabing comment, hindi naman ito matanggap ng kampo ni Marcos bagkus ay nag-akusa pa ang spokesman na si Vic Rodriguez ng ‘cons­piracy’ sa pagitan ng Comelec at ng kampo ng Bise Pre­sidente. Ayon sa kaniya­, itinakda ang 25% threshold matapos ang eleksyon upang pa­boran ang argumento ni Robredo.

Pinabulaanan naman ito ng kampo ng Bise Presidente, na nagsabing katawa-tawa ang patuloy na pagsisinu­ngaling ni Rodriguez, sa pagta­tangkang baliin ang katotohanang natalo si Marcos noong eleksyon.

Ayon kay Robredo, hindi totoo ang inaakusang conspiracy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy