Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcos sa mga Kabitenyo: Burger kayong lahat sa akin

0 50

Lumutang kahapon si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa selebrasyon ng cityhood ng Bacoor City.

Sa talumpati ni Marcos sinabi nitong ayaw niyang ma-miss ang okasyon at natuwa ito dahil pinanatili ng lungsod ang tradisyon o mas kilala bilang “Marching Band Capital of the Philippines.

“Ako’y natutuwa naman na makita na ipinapagpatuloy ninyo ang tradisyon ng Bacoor na ang inyong pagdiriwang ay ipinapagmamalaki ninyo ang inyong Marching Band Capital of the Philippines. Burger kayong lahat sa akin,” bahagi ng talumpati ni BBM.

Sinabi pa ni Marcos na hindi niya maaring palagpasin ang 10th cityhood anniversary base sa imbitasyon ni Mayor Lani Mercado Revilla, lalo na’t malaki ang naiambag ng mga Caviteño para manalo sa eleksiyon na humakot ng 31 milyong boto.
Kasabay nito ay nanawagan ito sa publiko upang makabangon sa gitna ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.