Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Marcos not a hero’ Bianca kinontra si Toni

0 247

Umabot na rin sa usapang friendship o sukatan ng pagiging magkaibigan sa pagitan nina Bianca Gonzalez at Toni Gonzaga.

Marami raw natatanggap na tag at mention si Bianca sa kung ano ang stand o reaction niya sa ginawang YouTube interview ni Toni kay Bongbong Marcos.

Kilala ng lahat sa social media si Bianca na isa sa mga opinionated at vocal din na hindi sumasang-ayon sa mga nangyayari ngayong palakad ng gobyerno o mga lider ng bansa.

Sa pinost na Instagram stories ni Bianca, malinaw niyang ipinarating sa lahat na hindi siya agree sa maaaring resulta ng interview ni Toni at lalong hindi rin siya agree na muling maupo ang Marcoses, pero bilang kaibigan, sa pribadong usapan na lang nila ito pinag-usapan.

Sabi ni Bianca, “Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public. #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you out of the rallies. I’ve gotten messages asking, “Bakit tahimik ka sa issue??” As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly. Because for me, that is what a true friend would do. Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

Sabi pa niya patungkol kay Toni, “If you were in the middle of an issue, would you not prefer that your friend reach out to you about it privately, rather than they ‘call you out’ or ‘post about it publicly? And that you continue to respect each other despite differences?”

At sa huli, hinihikayat nga niya ang lahat na magpa-rehistro, lalo na kung gusto raw na may maging pagbabago sa bansa sa susunod na anim na taon.

‘Miss na si Chiz’ Heart ginustong layasan ang GMA serye

Naka-lock-in taping na muli si Heart Evangelista para sa kanyang teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon” pero hindi nito napigilang i-express na may name-miss siya. Pwedeng maisip sa IG stories niya at mapatanong ang mababasa kung may nangyari kaya at gano’n na lang ang desire nito na umalis at umuwi.

Gusto na raw niyang umuwi ng bahay at miss na miss na rin daw niya ang Mister na si Governor Chiz Escudero.

Sey ni Heart sa kanyang Instagram Stories, “I wanna go home.”

Sinundan na, “Miss you very much” kasabay ang picture ni Chiz.

At sabi pa niya, “Kung pwede lang mag tap out sa mga situations.  We all need to work… and we thankful we have work… I can’t complain- I have no right to- just really wanna go home today… so much more than ever.”

Second lock-in na nila ito at posibleng ito na rin ang last at tapos na silang mag-taping.

Gavin Leatherwood may pasabog na mensahe kay Poe

Kahit na nasa Pilipinas na at halos simula pa ng taon nang lumabas ang picture na kasama ng bagong Kapamilya star na si Lovi Poe sa isang restaurant sa Los Angeles ang Netflix Star na si Gavin Leatherwood ng “Chilling Adventures of Sabrina” mukhang may communication pa rin ang dalawa.

Posibleng malaking dahilan dito ang boyfriend ni Lovi na si Monty Blencowe.

May video ang Netflix star na binati si Lovi ng Magandang Umaga sa Tagalog. Kaya sabi ni Lovi, “Something to make your day.”

Malamang, marami na naman ang kinilig at nainggit na mga netizen, celebrity kay Lovi katulad noong mag-post siya ng picture na kasama nga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.