Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcos didikdikin Rappler-Ressa sa fake news

0 797

Tinawag na ‘fake’, ‘false’ at ‘misleading’ ng kampo ng natalong vice presidential candidate na si Bongbong Marcos ang lumabas na report ng Rappler kung saan nais umano ipabago ni BBM ang imahe ng kanilang pamilya sa Cambridge Analytica.

Ayon kay Vic Rodriguez, spokesperson ni Bongbong hindi umano lumapit o nakipag-usap ang senador sa Cambridge Analytica, at nalaman lang ang kontrobersya sa media.

“Former Senator Marcos never reached out to them and, like most of us, was only made aware of Cambridge Analytica’s existence through reports of its controversial activities in the media,” paliwanag ni Rodriguez.

Aniya pa, ginagamit lang umano ng Rappler ang pamilya Marcos para mapagtakpan ang isyu tungkol sa kredibilidad ng news site, kung saan matatandaang hinatulan ng guilty ang Rappler CEO na si Maria Angelita Ressa sa kasong cyberlibel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

“The timing of this news story is nothing more than a marketing ploy meant to drum up support for their beleaguered news blog site,” saad pa ni Rodriguez.

Ikakasa na ang legal action ng kampo ni BBM laban sa Rappler dahil sa pagpapalabas ng umano’y fake news.

Sa report ng Rappler, kanilang nakapanayam si whistleblower Brittany Kaiser kung saan sinabi nito na lumapit sa Cambridge Analytica si BBM para i-rebrand ang kanilang pamilya, kung saan sangkot sa iba’t ibang kontrobersya dulot ng dating Pangulo Ferdinand Marcos.

“In a particular instance where the history of a family and an individual is important for the public to know, then this type of work is extremely dangerous,” ayon kay Kaiser.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.