Una sa Balita

Marco makinis ang wetpaks Anne hayok sa lampungan

0 599

First twenty mi­nutes pa lang ng pelikulang “Just A Stranger”, sulit na agad, kung ang puntirya mo ay mabosohan si Marco Gumabao. Kung puwet ang hanap mo, hinding-hindi ka mabibigo.

Anyway, napanood nga namin ang “Just A Stranger” movie nina Anne Curtis at Marco, at ‘yun nga, unang bente minutos pa lang, papalakpak ka na agad sa tapang ni Marco.

Todo display nga siya ng kanyang ‘crack’ at sabi nga ng isang lady editor, ang kinis ng puwet niya. Na ang sarap nga raw kagat-kagatin.

Tamang-tama lang daw ang kurba ng puwet ni Marco sa kanyang katawan.
Sabi ko nga, mas maraming ipinakita kesa itinago si Marco sa movie na ito. At malaking tulong ang kaguwapuhan niya, at mala-inosenteng itsura, para mas madala ka sa kuwento ng pelikula.

May mga eksena sa movie na ang sarap-sarap titigan ni Marco, dahil parang puno ng misteryo ang mukha niya. Siya nga ‘yung tipo ng lalaki na parang ang bait-bait pero alam mong makamandag.

Bilib ako sa tapang ni Marco na ipasilip nang buong-buo ang kanyang katawan. May mga eksena siya na ikaw na ang kakabahan, dahil ang feeling mo, hihigitan pa niya ang kayang ipakita ng ibang indie actor.

Si Anne naman, as always, maganda, at palaging palaban. May mga eksena si Anne na parang hayok na hayok siya sa lalaki, na palaban talaga siya pagdating sa halikan, romansahan.

Bagay na bagay kay Anne ang mga papel na babaeng naghahanap ng sex. O ‘yung mga babaeng nangangaliwa, dahil ang husay-husay maglaro ng kanyang mukha, kung paglalandi ang pag-uusapan.

Of course, kung nag­hubad si Marco, hubad kung hubad din si Anne, ha! May pa-two-piece bikini siya, may tanggal bra pa, na makikita mo nga ang kabuuan ng likod ng dyowa ni Erwan Heussaff.

Maraming dramatic moment si Anne at si­yempre, pasadong-pasado ang kahusayan niyang umarte.

Ang ganda ng location (Lisbon, Portugal) ng “Just A Stranger”, na dinirek ni Jason Paul Laxamana. Bagay na bagay ang kagandahan ng paligid sa nililikhang kasalanan ng dalawang karakter.

Oh siya, watch niyo na lang ang “Just A Stranger”, at siguradong uuwi kayong nakangiti, lalo na kung super pinapantasya niyo sina Marco at Anne.

Pelikula ni Kristoffer King pasok sa Toronto Int’l Film Fest

Anim na buwan na ngang patay ang indie actor na si Kristoffer King, pero hanggang ngayon ay parang aktibo pa rin siya sa pelikula, dahil patuloy ngang ipinalalabas ang mga pelikulang nagawa na niya.

Tuloy-tuloy nga ang pag-iikot ng “Verdict” ni Direk Raymund Ribay Gutierrez sa iba’t ibang international film festival. Matapos ang announcement na kasama ito bilang competition film sa Horizons (Orizzonti) section ng ika-76 na Venice Film Festival, ang nasabing crime drama feature ay magkakaroon ng Canadian premiere sa ika-44 na Toronto International Film Festival (TIFF) sa darating na Setyembre 5 hanggang 15, 2019. Ito ang nag-iisang Filipino feature film na napili para sa TIFF nga­yong taon.

Ang “Verdict”, na produkto ng Armando Lao Found Story School of Filmmaking at ng Brillante Mendoza Film Workshop, ay produced ng mentor ni director Gutierrez at film auteur na si Brillante Mendoza. Ang pelikula ay iikot sa abused wife na naghahanap ng hustisya, at bida nga rito si Kristoffer, kasama sina Max Eigenmann, Jorden Suan, at Rene Durian.

Ang “Verdict” cast at crew na lalahok sa Venice Film Festival ay tatanggap ng assistance mula sa FDCP sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program (IFFAP) ng ahensiya.

Ang crime drama film ay ipapalabas sa ilalim ng Contemporary World Cinema (CWC) prog­ramme. Ayon sa isang statement mula sa TIFF, ang CWC programme ay nagbibigay ng “global snapshot of the world through essential storytelling.” Dagdag pa nito, tampok din sa prog­ramme ang mga pelikulang may “wide range of thought-provoking stories that delve into cultural issues and social struggles in poetic and captivating ways.”

Bukod sa “Verdict”, magkakaroon din ng North American premiere ang Filipino short film na “We Still Have to Close Our Eyes” ni John Torres sa TIFF sa ilalim ng Wavelengths section (Lives of Performers). Ang short film ay ipinalabas sa Asia Culture Center sa Gwangju, Korea bilang bahagi ng Special Screening from ACC Cinema Fund-Re-visionary Frame. Ang documentary footages ay kinunan mula sa film shoots nina Lav Diaz (Sine Olivia), Erik Matti (Reality Entertainment), Eduardo Dayao (Epicmedia/Globe Studios), Mac Alejandre (Produced nina Ricky Lee, Lav Diaz, Mac Alejandre), Dan Villegas (Project 8 corner San Joaquin Projects), Joel Ferrer (Regal Entertainment), at Bradley Liew (Epicmedia).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy