Una sa Balita

Marco itinanggi ang relasyon kay Janella

By
0 820

abante-i-know-better-jun-nardoNataon aa Parada ng mga Artista ng Metro Manila Film Festival ang ibinigay na schedule na araw ng dalaw ng Viva artist na si Marco Gumabao sa amang si Dennis Roldan na nakapiit sa kulu­ngan.

Kasama si Marco sa Viva festival movie na Aurora kung saan kasama niya si Anne Curtis. Huli siyang bumisita sa ama last December 9 a day after ng birthday niyang December 8.

“Parang third Christmas…Ahhh, going fourth. Mahirap pero parang nasanay na kami. ‘Yung mom ko naman, masipag siyang mag-visit and ‘yung kuya ko, malapit sa kanya kaya siya ang pumupunta. Last week magkakasama kami,” pahayag ni Marco nang makausap ng press.

Kamakailan ay may lumabas na picture nila ni Janella Salvador. Nilinaw niyang hindi siya nanliligaw sa dalaga. Kaya naman nu’ng magkita sila ni Elmo Ma­ga­lona sa isang event ng Channel 2, agad niyang nilapitan ang binata.

“Kami naman ni Janella, we hang out. We were both single. Nu’ng lumabas ‘yung picture o video, nagulat kami sa reaksyon ng mga tao. Pinag-usapan namin na I think it’s best na kung anuman ang nangyari i-end na natin.

“We talked about it. Sabi namin, huwag na nating bigyan ng ilusyon ang mga tao para magalit pa.

“I went up pa nga to Elmo nu’ng Christmas special. Napansin ko na parang hindi kami nagpapansinan. May konting iwasan. No, hindi naman siguro siya nagseselos. Because of the issue, may konting ila­ngan. Hindi mo naman maiiwasan.

“So ako na mismo ang lumapit sa kanya. Sabi ko, ‘Sorry kung anuman ang lumabas na issue. We didn’t mean na sirain ang relationship niyo with Janella or what.’

“Sinabi niya sa akin, ‘You know, Marc, I really appreciate you co­ming up to me. Not most guys would do this na magsu-sorry or would own up their mistakes.’

“Ako naman, aminado na nagkamali rin ako because na-mislead namin ang mga tao to thin­king na Janella and I are da­ting. In fact, we were just friends going out with a group of friends.’

“So if ever na nagkaroon ng malabo or misunderstanding, I’m sorry for that. Nag-sorry na ako kay Elmo, and kay Janella, we’re friends and that’s good” deklara ni Marco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy