Una sa Balita

Marco gustong ligawan ulit si Juliana

By
0 831

Naikuwento na nga ng nagbabalik-showbiz na si Marco Gallo na naging official sila ng nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana habang nandito pa siya sa Pilipinas noon.

Matatandaang mga July last year nang umuwi ng Italy ang young actor para mag-aral.

Dahil daw sa kanyang paglisan ay naudlot ang namumuong samahan nila ng dalaga, na ginawa siyang date sa prom nito noong nakaraang taon.

Yes ang sagot ni Marco nang matanong kung na­ging official sila ni Juliana. Kuwento ni Marco, “Parang there was something between us. Then I left. Siguro it was not the right time.”

Sa ngayon daw ay friends sila pero kapag hindi na raw nakapagpigil ang damdamin niya ay liligawan niyang muli ang unica hija nina Goma at Lucy.

“Wala naman po,” ang sagot niya nang matanong tungkol sa naiwang girlfriend sa Italy.

“Si Alice, na Ali-che ang pagbigkas, ay “real friend” lang daw niya.

Ayon sa dating PBB housemate siya ay magpo-focus muna sa kanyang trabaho na pinakadahilan ng kanyang pagbalik sa Pilipinas, lalo pa’t na-realize raw niyang importante ito nang ma-miss niya na ang buhay showbiz.

Pasulpot-sulpot si Marco ngayon sa online show ng PBB Otso na PBB Bring 8 On.

At kasama rin siya sa pelikulang Pamilya Blondina ni Karla Estrada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More