Una sa Balita

Marco Gumabao mabenta sa mga bading

By
0 4,348

 

Mabilis na gumawa ng ingay at nag-viral agad noong Lunes ang Bench So In Love perfume commercial ni Marco Gumabao dahil nagustuhan ng publiko ang storyline nito.

Tungkol sa isang gay student na may secret crush kay Marco pero nagpapanggap na tunay na lalake sa harap ng tatay niya ang kuwento ng Bench ad.

Pang-babae na perfume ang ginagamit ng gay kaya ‘Amoy chicks ang anak ko ah’ ang reaksyon ng tatay niya na kinukulit siya na magkuwento tungkol sa kanyang napupusuan.

‘Next time na lang po Pa,’ ang sagot ng gay na gumuho ang mundo nang makita niya na may ibang babae na nagugustuhan si Marco, kasabay ng pagkaubos ng pabango niya.

Malungkot na umuwi ang gay pero pagpasok nito sa kuwarto, ang favorite Bench perfume na binili ng tatay niya ang bumulaga sa kanya, kalakip ang personal note na may nakasulat na ‘Nak, amoy kita. Love you’.

Hit na hit sa mga Pinoy ang Bench commercial na may pamagat na ‘Someone is Bound to Smell it’ dahil tagos sa puso ang mensahe na ipinararating nito sa lahat.

Limer Veloso ang pangalan ng talent na gumanap na gay na may crush kay Marco. Sa tunay na buhay, lalakeng-lalake si Limer, nagtatrabaho siya bilang MoGraph artist sa ABS-CBN at sideline niya ang pagiging commercial talent.

L.A. Lopez hindi pahuhuli sa kantahan kina Erik, Mark

Nag-pop up sa social media feed namin ang video ng guesting ng former child actor na si L.A. Lopez sa isang show ng Net 25. Out of curiosity, pinanood namin ang pagkanta ni L.A. sa I See You, ang bagong single na kanyang ipino-promote kaya na-realize namin na may ibubuga siya sa pagkanta at kung mabibigyan ng chance, kayang-kaya niya na makipagsabayan kina Erik Santos at Mark Bautista dahil sila ang magkakaedad.

Mahirap paniwalaan na 32-years old na si L.A. dahil hanggang ngayon, taglay pa rin niya ang aura ng kanyang pagiging child actor noon.

Certainly, nakatulong ang maturity at mga karanasan ni L.A. kaya may depth at punumpuno na ng emosyon ang pag-awit niya na malayong-malayo sa bata na nagpasikat sa kanta na Eh Kasi Bata at jingle na Iodized Salt.

Malaking bagay rin na may maganda at maayos na direksyon ang buhay niya bilang head pastor at worship leader ng Abundant Harvest Fellowship Philippines.

Believe it or not, nagustuhan namin ang madamdamin na cover version ni L.A. sa Ikaw Pa Rin, ang kanta na pinasikat ng Japanese singer na si Ted Ito noong 1986.

Ang Comedy King na si Dolphy ang discoverer ni L.A. na sumali noong early ‘90’s sa That’s My Boy, ang talent search segment ng Eat Bulaga.

Parehong produkto ng Eat Bulaga sina L.A. at Sebastian Benedict Arumpac aka Baeby Baste, ang 5-year-old co-host ng Eat Bulaga.

Sa edad na lima, kinabibiliban ang singing voice ni Baste at kung hindi magbabago ang passion niya sa pagkanta, malaki ang posibilidad na maging mahusay na singer ang child actor na puwedeng sundan ang yapak ni L.A. kapag nagbinata na siya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy