Una sa Balita

Marco game sa halikan, lampungan sa kapwa lalaki

0 384

James Reid out! Marco Gumabao in!

Ganyan nga raw ang sitwasyon sa Viva ngayon.

Kasi nga, dahil umalis na si James sa bakuran ng Viva, at heto nga at super tagumpay naman ang “Just A Stranger” nina Marco at Anne Curtis, kaya lahat daw ng movie na para kay James, kay Gumabao na ngayon ibibigay.

Apple of the eye nga raw ang turing kay Marco ngayon sa Viva.

“Ako kaibigan ko si James, and it’s sad na nawala siya sa Viva, dahil matagal na siya rito. Pero, ganu’n talaga. Minsan may mga bagay na hindi talaga nagwu-work out. Ako I wish him well. I’ve been friends with him for the longest time. I wish him well. Good luck sa career niya.

“Kung ako nga ang apple of the eye, if ever na totoo nga ‘yon, basta ako gagalingan ko na lang sa mga project na ibibigay sa akin. Pero of course, mami-miss namin si James.

“Basta ako wala namang nakakaagrabyado sa akin, wala rin akong inaagrabyado na tao,” sabi ni Marco.

Sa ngayon, ang pelikula with Lovi Poe at Tony Labrusca nga ang pinaghahandaan ni Marco.

“Gusto ko rin sana ng action romance. Gusto ko rin gumawa ng barkada movie. ‘Yung maraming aral na makukuha, pero at the same time masaya.

“Pero ngayon, with Lovi and Tony movie muna.”

So, labanan ng magagandang katawan ito?

“Yeah, kaya nga nagwu-work out ako palagi. Eh si Tony batak ‘yon. Si Lovi rin, ang ganda ng katawan, napaka-sexy rin.”

Anyway, inulit-ulit ang tanong kay Marco, na kung sa mga future project niya ay kailangang magpakita siya ng ari, ay gagawin ba niya?

“Yeah, frontal nudity. Kung kailangan talaga. Pero ngayon, butt exposure na muna. Hanggang ganu’n lang muna.”

Eh, kissing scene, bed scene sa kapwa lalaki?

“Kung kailangan din sa script talaga, gagawin ko. Wala naman akong inhibitions talaga sa ganu’n,” saad pa ulit ni Marco.

Bongga, ‘di ba?

Dingdong mangunguna sa National Clean-Up Day

Ngayong Linggo sa “Amazing Earth” ni Dingdong Dantes, dadayuhin niya ang Bahay Paniki cave sa San Miguel, Bulacan, para chikahin ang Amazing Earth hero na si Dann Diez ng “Let’s Do It Philippines”. Sasali nga si Dingdong kasama ang iba pang kababayan natin sa National Clean-Up Day on September 21.

Pero bago ‘yon, kilalanin ang designated baby-sitter of wild dogs mula sa Africa sa “Yaya Problems!”

At sa “Barangay Lipat-Bahay”, hermit crabs have an unusual but very impressive system of upgrading their shells, or houses, so to speak.

Sa “Naiwan si Boy Angkas” finds remoras engaging in mutually beneficial relationships with aggressive bull sharks and giant manta rays.

Saksihan din ang “The Great Goat Challenge” as a mountain goat makes a nearly weeklong round trip journey just to reach salt and other mineral sources!

At kaloka na ang kangaroo pala ay hindi nakakalakad nang paatras.

Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, ang “Amazing Earth” ay napapanood tuwing Linggo after “24 Oras Weekend”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy