Una sa Balita

Marcio, Rajko galit-galit muna

0 376

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
3:45pm — Thailand vs. Vietnam
(semis 1)

8:15pm — Gilas vs. Indonesia
(semis 2)

GALIT-GALIT muna sina Marcio Lassiter at Rajko Toroman sa pagsasalubong ng landas sa semifinals ng SEA Games men’s basketball.
Taong 2009 nang unang magkita ang dalawa.

Si Rajko ang tinapik para magtimon­ sa Gilas Pilipinas. Kasasampa lang noon ni Lassiter sa Philippine basketball, at nasama sa National team.
Dalawang taon din halos silang nagsama.

Ngayon ay coach na ang Serbian ng Indonesian national team, balik naman sa Gilas si Lassiter.

“Coach Rajko is my first coach. I played a lot with him, learned a lot, and he helped me develop as a player,” ani Lassiter pagkatapos ng 3-0 sweep ng Gilas sa preliminaries, huli kontra Myanmar 136-67 nitong Sabado sa MOA Arena.

Magkaibigan sila pero kapag uma­ngat na ang tipoff, basketball na. Pareho sila ng misyon – gold medal sa Games.

“We’re definitely not gonna play with friendship or anything like that,” dagdag ng San Miguel Beer sniper. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy