Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcial tampok sa PSA Forum

0 151

SI PBA commissioner Willie Marcial ang bisita sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong Martes, Jan. 18, umpisa 10:30 ng umaga.

Ibabalita ni Marcial ang estado ng Governors Cup na sinuspinde mula Jan. 5 nang ilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila matapos sumirit ang mga kaso ng COVID-19 infections.

Imbitado rin si Board chairman Ricky Vargas ng TNT sa weekly program na hatid ng San Miguel Corp., Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, PAGCOR at social media at webcast partner Prime Edge.

Naka-livestream ang Forum sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 Facebook page. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.