Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcial pinaplantsa balik ng Govs Cup

0 137

AGAD ieendorso ni Philippine Basketball Association Commissioner Willie Marcial sa anim na Local Government Units (LGUs) ang mga plano ng mga koponan para makapagsimula ng scrimmage na sumasaklaw sa dapat na unang hakbang para tuluyang maipagpatuloy ang natigil na Governors’ Cup sa susunod na buwan.

Ito ay matapos makipagpulong si Marcial kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos noong Martes kung paano ilalatag ang kahilingan sa mga LGU na magpapahintulot sa lahat ng PBA team para agad na magsimula ng ensayo sa kanilang nasasakupang lugar.

“Susulatan ko ‘yung anim na mga mayor and si MMDA chairman Abalos,” sabi ni Marcial. “Pero scrimmages lang muna.”

Kasama ni Abalos sa pagpupulong sina MMDA general manager Atty. Romando ‘Don’ Artes at MMDA director for public safety office na si Atty. Victor Trinidad.

Matatandaan na nagsasagawa ang 12 koponan ng kanialng mga pagsasanay sa Quezon City, Pasig, Mandaluyong, Paranaque, San Juan at Pasay. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.