Una sa Balita

Marcial, PBA may pakulo sa mga fan

NILALANGAW KASI!

By
0 562

PLANO ng Philippine Basketball Association na rebisahin ang kanilang constitution and by-laws, magbalangkas ng mga bagong panuntunan para lalo pang pagkainteresan ng fans ang liga.

Una sa tututukan ng Board kung paano magi­ging mas kaakit-akit sa fans na panoorin sa venues ang mga laro.

Nasa kasagsagan ng planning session The Venetian Hotel sa Las Vegas ang Board, sa pangunguna nina chairman Ricky Vargas at commissioner Willie Marcial.

Gagamiting basehan ng pang-akit sa fans ang dinumog na series ng Ginebra at San Miguel Beer sa championship ng nakaraang Commissioner’s Cup na pinagwagian ng Gin Kings sa anim na laro.

“We’re improving our loyalty program. We’re putting up more venue activities. We’ll reward our in-venue fans,” ang ilan sa isusulong na inobasyon, ayon kay Marcial. “We’ll make PBA live a great thrill, fun and a truly experience to remember.”

Para magawa ito, isa sa nakitang hakbang ay kailangang maging pantay-pantay sa lakas ang 12 teams ng liga.

At para magkaroon ng balanse ang liga, kaila­ngan mag-umpisa sa annual rookie draft.

Ilang governors ang naniniwala na panahon na para busisiing mabuti, at kung kailangan din ay baguhin, ang draft rules.