Una sa Balita

Marcial, PBA Board lumipad pa-Qatar para sa Team PH

0 468

BILANG pagpapakita ng kanilang suporta ay nagtungo na ang buong delegasyon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pangunguna nina Board Chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial na nagtungo na Martes nang umaga sa Doha, Qatar upang suportahan ang Pambansang koponan sa 2019 FIBA World Cup.

Sinabi ni Marcial na optimistiko ang lahat pati na ang PBA Board sa kanilang pagbibigay ng suporta at pag-cheer sa Team Pilipinas na pu­wersadong masungkit ang isang silya sa World Cup 2019.

“I have talked to coach Yeng Guiao, and he is confident we can win and make the World Cup. And I believe him,” sabi ni Marcial.

Lahat ng miyembro ng PBA Board, maliban kay Rene Pardo ng Magnolia, ang kasama sa grupo para sumuporta sa Team Pilipinas sa pagsagupa nito sa Qatar ngayong Huwebes sa Doha bago sundan ng salpukan nito kontra Kazakhstan sa Linggo sa Astana.

“We all know that the team is made up of PBA players. So the entire Board is flying to Qatar to support the team. We all know in the board how important these two games are for us. We want to win these games,” sabi ni Al Panlili.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy