Una sa Balita

Marcial: PBA balik-Guam

By
0 289

PAGKATAPOS ng 12 taon, nakatakdang bumalik ng Guam ang PBA para sa isang laro ng Governors’ Cup sa susunod na buwan.

Idadayo ng liga ang bakbakan ng Ginebra at Rain or Shine sa US territory sa Oktubre 13.

Sinalanta ng super typhoon Mangkhut ang isla nitong linggo, pero tiwala si Commissioner Willie Marcial na matutuloy ang laro. Marami-rami ring Pilipino sa Guam.

“Nagpa-approve na sa akin ng poster ‘yung promoter, so tuloy ‘yun,” ani Marcial, nasa Las Vegas pa kasama ng Board para sa annual planning ng liga. “Nakausap ko rin sila and wala namang nabanggit sa akin (na hindi tuloy).”

May niluluto rin ang PBA na isa pang laro sa labas ng bansa sa susunod na 44th season, posibleng sa Dubai.

Taong 2006 pa nang huling dumayo ang PBA sa US territory nang buksan ang bakbakan ng Alaska at Red Bull ang 32nd season.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy