Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcial level up training sa Tate

0 192

TODO palakas bago bumiyahe papuntang Estados Unidos si 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial.

Isang larawan ang ipinost ni Marcial sa kanyang Facebook page nitong Lunes at ibinahagi ang kanyang huling araw ng pag-eensayo bago tumulak sa Amerika para sa kanyang napipintong laban.

“Buenas dias! Last day of training here in the Philippines before I fly to the United States to prepare for my upcoming fight,” sey ni Marcial na nakuha ang bronze medal sa men’s middleweight event ng Tokyo Games.

Dagdag pa ng 26-year-old boxer, “let’s get back to business. Salamat sa supporta mga idol.”

Disyembre 2020 nang mamayagpag si Marcial sa kanyang debut sa professional ranks nang pataobin nito si Andrew Whitfield. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.