Una sa Balita

Marcial, Gilas nakaabang sa hagupit ng FIBA

LATIGO!

By
0 2,197

HIHINTAYIN muna ng Philippine Basketball Association (PBA) ang desisyon ng FIBA bago gumawa ng hakbang ang pro league para sa mga Gilas player na nasangkot sa riot kontra Australia sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifier match noong Lunes sa Philippine Arena sa Bocaue.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, ang estimate nila ay bago matapos ang buwan pa makakapagbaba ng desisyon ang world basketball body.

Nagkaroon ng closed door meeting sina Commissioner Willie Marcial, Al Panlilio na governor din ng Merlaco, Philippine Olympic Committee secretary general Patrick Gregorio at ang mga Gilas player sa PBA office sa Libis, Quezon City nitong Huwebes.

Dumating sina Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Baser Amer, Jayson Castro, Terrence Romeo, RR Pogoy, Troy Rosario, Allein Maliksi, Calvin Abueva, Carl ­Br­yan Cruz, Japeth Aguilar at Jio Jalalon.

“As of now, wala (gagawin ang PBA) kasi hinihintay namin ‘yung decision ng FIBA,” ani Marcial pagkatapos ng meeting.

Dahil nakaamba ang suspensiyon ng FIBA sa mga player na sangkot, sinabi ng Commissioner na aapela sila kung maaapektuhan ang paglalaro ng mga ito sa PBA.

“Depende kung ano ang desisyon ng FIBA. Kung suspension hanggang sa FIBA, susundin namin,” dagdag ni Marcial. “Kung suspension hanggang sa PBA, aapela kami.”

Siyam na Gilas player ang napatalsik sa laro nang sumiklab ang riot matapos sikuhin ni Da­niel Kickert sa leeg si RR Pogoy, na una namang binalya si Chris Goul­ding sa third quarter ng Pilipinas-Australia match.

Nahaharap sa sanction sina Pogoy, Castro, Romeo, Rosario, Abueva, Cruz, Maliksi, Matthew Wright, at naturalized center Andray Blatche.

“Pinagsabihan namin sila na sana hindi maulit lalo sa PBA,” wika pa ni Marcial. “Ang sa amin lang, move on na tayo and sorry sa mga nasaktan.”