Una sa Balita

Marcial: Espesyal na araw para sa mga taga-media

By
0 235

MAGSASAGAWA ang Philippine Basketball Association (PBA) ng espesyal na araw para sa mga media maliban pa sa taunang isinasagawang press conference bago ang pagbubukas nito ng ika-44 taon sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ipinaalam mismo ni PBA Commissioner Willie Marcial na ilulunsad ng liga ang darating na taon sa tradisyunal nitong aktibidad sa Enero 8 bago isagawa muli matapos ang matagal na panahong pagsasagawa nito ng media event para makausap ang mga koponan sa Enero 10.

“The commissioner and members of the PBA management committee as well as coaches and the key players of all 12 teams will be there to ­answer the queries of the sports media,” sabi ni Marcial.

“PBA personalities will be made available for photo shoots, on-cam TV interviews, live or taped radio interviews or interviews on whatever media form. We will give opportunities for our media friends to convey talks, messages, greetings to the fans,” paliwanag pa ni Marcial.

Ihahayag din ng PBA ang magi­ging opisyal na lineup ng 12 kalahok na koponan sa taunang press conference pati na rin ang mga pagbabago sa gaganapin na tatlong komperensiya ng darating na season.

Nakahanda din ang commissioner at 12 PBA governors, sa pangunguna ni league chairman Ricky Vargas, para sa iba’t ibang mga katanungan patungkol sa liga.

Malalaman naman ang pagha­handa ng mga coach at kanilang isasabak na manlalaro sa media day.