Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marcial ayaw sa `friendly fire’

0 115

Ayoko ng friendly fire!

Ito ang ipinarating ni 2020+1 Tokyo Olympian bronze medalist Eumir Felix Marcial nang amining hindi siya sang-ayon sa paglalaban-laban ng ilang Pinoy boxer sa lona.

“Para sa akin dapat hindi,”giit Miyerkoles ng 26-anyos na boksingero mula sa Zamboanga City. “Dapat hindi tayo naglalabang mga Pilipino.”

Pero maski tutol, masaya pa rin aniya siya sa naging senaryo dahil sa nakakapagpasiklab na ang mga Noypi sa world stage at unti-unti na ring nakikilala ang mga homegrown talent na naglalaban-laban para sa professional men’s international o world title.

Magtutuos sa Disyembre 11 sina champion Nonito Donaire Jr. at challenger Reymart Gaballo para sa World Boxing Council world bantamweight belt. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.