Una sa Balita

Marcelino, Nzeusseu, Lyceum mamimirata

0 244

Standings W L
San Beda 6 0
LPU 6 1
CSB 5 1
Letran 5 2
SSC-R 2 3
Mapua 3 5
JRU 3 5
Perpetual 2 5
Arellano 1 6
EAC 1 6

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00n — San Sebastian vs Letran
2:00pm — Emilio Aguinaldo vs Perpetual Help
4:00pm — Lyceum vs San Beda

Tiyak na ikakasa ng Lyceum of the Philippines Pirates ang armas nilang sina Jaycee Marcelino at Mike Nzeusseu pagharap sa defending champion San Beda University Red Lions sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Rematch sa nakaraang taong finals, malinis sa anim na laro ang karta ng Red Lions habang 5-1 ang baraha ng Intramuros-based squad Pirates.

Magsisimula ang kanilang bakbakan sa alas-4:00 ng hapon.

Maganda ang ipinakitang laro nina Marcelino at Nzeusseu nang dungisan nila ang karta ng College of Saint Benilde Blazers.

Nagtala sina Marcelino at Nzeusseu ng 23 at 17 points, ayon sa pagkakasunod, upang tulungan ang LPU na payukuin ang Blazers, 74-71.

Napalaban nang todo ang Pirates sa CSB pero naging matatag sila sa endgame upang sikwatin ang five-game winning streak.

“We have to give credit to CSB. They just kept on pursuing us,” saad ni coach Topex Robinson.

Inaasahan naman na ibabangga ng Red Lions sina Donald Tankoua at ‘Bandana Brothers’ Evan Nelle at James Canlas upang manatili sila sa top spot ng team standings.

Samantala, magtatapat ang San Sebastian College Stags at Letran Knights sa alas-12:00 ng tanghali habang magkakaldagan sa alas-2:00 ng hapon ang Emilio Aguinaldo College Generals at Perpetual Help Altas. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy