Una sa Balita

Marcelino buena-manong POW

By
0 1,086

NALAGAY sa delikadong sitwasyon ang Lyceum of the Philippine Pirates sa laban kontra Emilio Aguinaldo Ge­nerals nitong Biyernes sa 94th NCAA basketball tournament.

Matapos makalamang ng 31 puntos sa kaagahan ng third period ay unti-unting nalusaw ang napundar na bentahe ng Pirates na natapyas sa tatlo, 80-77 papasok ng fourth quarter.

Isa sa nagpursiging manalo ang Intramu­ros-based squad LPU ay si last year’s Rookie of the Year Jaycee Marcelino.

Tumikada ng 13 sa kanyang career-best 24 points sa payoff period si Marcelino upang akbayan ang Lyceum sa 106-97 panalo laban sa Generals.

Dahil sa kanyang kabayanihan, hinirang si 20-year-old Marcelino na unang Chooks-To-Go/NCAA Press Corps Player of the Week ngayong season.

May average na 18.5 points, 6.5 rebounds, 3.0 assists, 3.5 steals sa unang dalawang laro si Marcelino kaya naman nasa tuktok sila ng team standing kapit ang 2-0 karta. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy