Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marc Anthony, Nadia Ferreira pakakasal na

0 118

Engaged ang singer at salsa artist na si Marc Anthony sa former Miss Universe contestant Nadia Ferreira of Paraguay.

Pinost ng 23 year-old Miss Universe 2021 first runner-up sa IG ang 10-carat emerald cut diamond engagement ring na bigay ng 53 year-old singer.

Nagkakilala sa Mexico City three months ago ang dalawa. Noong birthday ni Nadia noong May 10, sinorpresa siya ni Marc ng isang proposal.

Ito first marriage ni Nadia samantalang si Marc ay tatlong beses nang kinasal at na-divorce: Shannon De Lima (2014 to 2017), Jennifer Lopez (2004 to 2014), and Miss Universe 1993 Dayanara Torres (2000 to 2004).

Kay JLo ay may kambal silang anak na sina Max and Emme na parehong 14 years old. Engaged naman si JLo kay Ben Affleck.

Kay Dayanara ay dalawa ang anak na lalake ni Marc: Cristian (21) and Ryan (19). (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.