Una sa Balita

Marawi rehab mabagal

0 271

Nababagalan si Sen. Bong Go at mga kasamahan nito sa Senado sa ginagawang rehabilitation sa Marawi City na umaabot na sa mahigit dalawang taon.

Kasama ni Go sina Sens. Imee Marcos, Migz Zubiri, Francis Tolentino at ­Ronald dela Rosa ay sinilip nila ang naturang rehabilitasyon nang mawasak dahil sa giyera noong 2017.

“Ayaw po nating mangyari ang pagbangon ng Marawi matulad sa Tacloban, Leyte na tinamaan ng bagyong Yolanda pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga totally naaayos dahil kulang sa suporta ng nakaraang administrasyon,” ani Sen. Go.

Tanong pa ni Sen. Go, “Nand’yan naman ang pondo. Nagamit na ba? Mabagal ba ‘yung releases kaya halos ­hindi umuusad itong rehabilitasyon?”

Hinikayat ng bagitong mambabatas ang mga concerned agencies na bilisan na ang pagsasaayos ng Marawi dahil nariyan naman ang pondo at mga donasyon mula sa private sectors at tulong mula sa ibang bansa.

“Marami sa mga taga-Marawi ang nasa Maynila na naghihirap doon dahil dito ang kanilang kabuhayan talaga pero nagtityaga at nag-aantay sa pagtatapos nitong rehabilitasyon para makauwi na sila,” pahayag ni Sen. Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More