Una sa Balita

Marawi rehab huwag haluan ng politika

By
0 8

Umapela si Vice President Leni Robredo na isantabi ang political differences at mahalagang magtulungnan para sa mabilisang rehabilitasyon ng Marawi City.

Naniniwala si Robredo, hindi magiging madali ang pagbangon ng Marawi City matapos ang labis na pinsalang tinamo nito nito dulot ng ilang buwang bakbakan.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ngayong deklarado na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa nang malaya ang lungsod mula sa mga terorista ay umaasa umano siyang magtutulungan ang lahat at isantabi ang political differences.

Kasabay na rin dito ang ipinahayag papuri ni Robredo sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa teroristang grupong Maute na nag-alay ng kanilang buhay upang magiging malaya ang Marawi.

Naniniwala si Robredo na mas mainam na unahin umano ng gobyerno ang reconstruction ng lungsod na siyang pangunahing hangad ng mga residente.