Una sa Balita

Marawi nawasak sa giyera

0 65

Pinayagan na ng militar na makapasok kahapon ang mga taga-media sa bukana ng Marawi City matapos ma-clear ng mga tropa ang Mapandi Bridge doon.

Tumambad naman sa mga mamamahayag ang wasak na wasak na mga gusali na mistulang Mosul City sa Iraw na nawasak din sa labanan sa pagitan ng Iraqi forces at Islamic State (IS) fighters.

Unang pinatawid ng military sa naturang tulay ang napakaraming mga sundalo at tangke bago ang mga mamamahayag. Sa kabila nito ay dinig pa rin ang putukan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga lokal na terorista.

Natapat ang pagpasok ng media sa ika-100 araw ng sagupaan sa Marawi City.

Kontrolado noon ng Maute snipers ang Mapandi Bridge kung kaya’t hindi agad ito napasok ng military. `Di-kalayuan ito sa Barangay Lilod Madaya kung saan napatay ang 13 miyembro ng Philippine Marines.

Pinuwestuhan na rin ng military ang iba’t ibang lugar sa Marawi upang masigurong hindi na ito mababawi ng mga kalaban.

Samantala, base sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umaabot na sa 617 terorista ang napatay, 133 sa panig ng pamahalaan habang 45 ang nasawing sibilyan mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi noong Mayo 23. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy