Una sa Balita

Marawi crisis ipabatid sa ASEAN –M’sia

By
0 4

Hinimok ng Malaysia ang pamahalaang Duterte na pulungin ang mga defense ministers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ukol sa sitwasyon sa pakikipaglaban ng militar sa lokal na ISIS sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Defence Minister Hishammuddin Hussein kay Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanilang pag-uusap. Mahalaga umano na malaman ng 10 bansa na miyembro ng ASEAN ang sitwasyon sa Marawi dahil na rin sa banta ng ISIS sa seguridad ng rehiyon.

Nais makasiguro ng Malaysia na hindi kakalat sa mga bansa ng ASEAN ang lagim na dala at dulot ng ISIS na nagbanta na aatake sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Japan at China dahil sa kanilang pagbibigay ng tulong kay Duterte upang magapi ang ekstremistang grupo sa Marawi at iba pang bahagi ng Mindanao.