Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marano pasabog sa Bagong Taon

0 514

KAKAIBA ang naging pasabog sa pagpasok ng Bagong Taon ni volleybelle Aby Marano, kasabay kasi ng pamamaalam niya sa taong 2021 ay nabilad naman ang kanyang alindog.

“One hell of a year, 2021 was tough but I will not be shaken! Bye,” caption ng F2 Logisitics Cargo Movers star kasama ang litrato niyang naka-bikini.

Bagaman malaking hamon kay Marano ang nakaraang taon ay matagumpay niya itong nairaos.

Ito kasi ang taon na lumaban siya sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship at ang koponang Choco Mucho kasama sina Kalei Mau, Iris Tolenada, Majoy Baron at iba pa.

Kumubra rin ito ng titulo sa Champions League ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) nitong Disyembre matapos walisin lahat ng koponan at dalhin ang Cargo Movers sa tuktok ng palaro.

Ang susunod na laban ni Aby ay ang nalalapit na Asian Women’s Club Championship 2022 sa Mayo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.