Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marano, Cargo Movers kayod

0 196

TODO sa paghahanda si volleybelle Aby Marano at koponan niyang F2 Logistics Cargo Movers para sa nalalapit na 2022 Premier Volleyball League Open Conference.

Ibinahagi ni Aby sa kanyang Instagram post na ‘back-to-work’ at nagpapakondisyon na silang magkakakampi.

“Back to werk werk werk werk werk with my fam @f2cargomovers,” caption ni former DLSU Lady Spiker kasama ang litrato ng ilang mga Cargo Movers sa loob ng gym.

Ang pagpasok kasi ng champion team na F2 sa PVL ang unang pagkakataon nilang paglahok sa nasabing torneo.

Magugunitang nakatakda dapat silang sumali sa 2021 Open Conference ngunit karamihan sa kanilang manlalaro ay may injury kaya napilitan silang umatras.

Ngayon na ang magandang pagkakataon nilang ipamalas ang kanilang galing upang maipagpatuloy ang winning attitude matapos nilang kubrahin ang korona sa 2021 PNVF Champions League. (Aivan Episcope)

Movers kayod

Leave A Reply

Your email address will not be published.