Una sa Balita

Maraming pwedeng gawin habang mayroong lockdown

0 432

NASA ikalawang linggo na po tayo ng Luzon-wide lockdown dahil pa rin sa banta ng nakamamatay na pandemic virus na COVID-19.

Sa mga panahong ito, lumalabas ang samu’t saring ideya ng mga Pinoy upang labanan ang pagkabagot dahil hindi ka maaaring magpagala-gala sa lansangan at pinapayuhang manatili na lang sa loob ng bahay.

Ang mga atleta gaya ng mga NBA, PBA, PSL player at iba pang mga manlalaro ay inaabala ang kanilang sarili sa physical workout sa kani-kanilang bahay.

‘Yung iba, nanood sa Netflix, Youtube, nagti-TikTok, naglalaro ng Mobile Legends, DOTA, nagluluto, natutulog, nagbo-bonding kasama ang pamilya at kung ano-ano pa.

Napakaraming pwedeng gawin, pwera lang po ang gumala.

Konting tiis pa po, konting tiis pero damihan sana natin ang pagdarasal.

Gamitin natin ang pagkakataong ito upang humingi ng tawad sa Panginoong Diyos.

Pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at kausapin natin ang nasa Itaas.

Pinakamabisang paraan pa rin ang sama-sama at taimtim na panalangin.

Kapag natapos na ang pagsubok na ito, sana ay huwag naman nating kalimutang magpasalamat.

Salamat sa panibagong buhay, salamat sa panibagong pag-asa at salamat sa panibagong simula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More