Una sa Balita

Maraming pampasaherong bus ‘di nainspeksyon ng LTFRB

By
0 588

AMINADO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang kawalan ng manpower ang dahilan kung bakit hindi 100% naiinspeksyon ang mga pampasaherong bus.

Sa kabila ng kawalan ng sapat na personnel nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kanilang ginagawa ang kanilang makakaya para magampanan ang tungkulin at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

“We’re not going to stop just because of lack of personnel. We need to continue,” pahayag ni Delgra.
Nabatid na 300 personnel lamang ang mayroon ang LTFRB.

Abante Hiring – IT dep

Sa oras na may mga aksidente sa kalsada binigyang katiyakan ni Delgra na kanilang iniisyuhan ng preventive suspension ang mga sangkot na mga transportation firm.

Sa datos ng ahensya, nasa 46 bus company ang nasuspende nito mula 2015 hanggang 2017 dahil sa iba’t ibang road violation.

Kamakalawa ay inisyuhan ng 30-day preventive suspension ng LTFRB ang Joyselle Express Inc. na nasangkot sa aksidente sa Makati City noong Martes na ikinasugat ng 19 na pasahero.