Una sa Balita

Maraming napasaya sa UNTV Cup Legends game

0 265

Jerry Codiñera

Isinagawa nitong June 2 sa dating gym na Caruncho sa Pasig City ang UNTV Cup Le­gends game kung saan natalo ang Purefoods kontra San Miguel Beer.

Pinagbidahan ito nina Kiko Adriano, grabe ang kondisyon na parang hindi tumanda, Chris Calaguio at Nic Belasco. Tumulong din sina Danny Ildefonso, Olsen Racela at Bong Alvarez pagda­ting sa dulo ng laban.

Halos mga 10 3pts din ang pumasok para sa koponan ng SMB.

Mas mabibilis at bata ang tropa ng SMB kontra sa Purefoods.

Sa Purefoods naman, sina Roger Yap, Dwight Lago, Bonel Balingit naman ang mga pangunahing scorer ng team.

Napakalaking adjustment pagdating sa laro lalo na kapag ang problema ay ang bilis at resistensya ang pag-uusapan dahil sa edad namin ay wala na kami nito.

Ang meron na lang natitira ay ang walang humpay na ngiti, pa-picture sa mga fan, kumaway-kaway kapag may time at interview sa mga reporter.

Kaya panalo pa rin ang ang samahan dahil merong ido-donate si Kuya Daniel Razon sa grupo para sa mga worthwhile project at for less fortunate na dating PBA players.

Mabuhay ka Kuya Daniel at Boss Gerry Panghulan at mga kasama sa bumubuo ng production na sina Mae at Ryan Ramos.

Sa laro ng Ginebra kontra Alaska, ang nagwagi ay ang Alaska.

Dikit ang laban sa simula hanggang 3rd quarter at doon naglaho nang umalagwa na ang Alaska nung binilisan nila ang laro at nagpakawala ng 3pts si Willie Miller.

***
Kung tayo ay papalarin, ang panauhin natin sa darating na Biyernes ay walang iba kung hindi ang player ko at arkitekto ng dalawang finals appearance ng Arellano University sa NCAA na si Jiovani Jalalon.

***
Nito namang June 1, Saturday, pinag-uusapan sa bandang South ang restaurant na SOUV na nasa MOLITO.

Greek food sila na may mga katakam-takam na salad, herb chicken, moussaka, yoghurt at mga pasta.

Lagi silang puno kaya mas mabuting magpa-reserve na para hindi na pipila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy