Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maraming lugar MGCQ na sa July 16 – Lorenzana

0 511

Inaasahang aabot sa 80 porsyento ng mga lugar sa bansa ang isasailalim na lang sa modified general community quarantine (MGCQ) sa July 16 upang bumalik ang sigla ng ekonomiya, ayon kay Defense Seretary Delfin Lorenzana.

Sa panayam kay Lorenzana, na miyembro rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sinabi nito na ang pagbaba sa MGCQ ng mga lugar sa bansa ay depende pa rin sa datos ng kaso ng COVID-19 na magmumula sa Department of Health (DoH).

“Sabi nga ng DOH, depende pa sa mga analytics na lalabas pero more likely siguro mga 80%, mag-MGCQ na tayo sa July 16,” saad ni Lorenzana sa isang panayam sa telebisyon.

Wala namang partikular na lugar na sinabi si Lorenzana na isasailalim sa MGCQ. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.