Una sa Balita

Marami pa rin ang matinong pulis na lumalaban sa iligal na droga

0 330

Marami ang nag-react sa naging pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino hinggil sa umano’y ‘rampant’ o laganap na pagre-recycle ng ating kapulisan sa kanilang mga nahuhu­ling droga. Kung ako ang tatanungin at bilang retiradong pulis, talaga namang nakababahala ito at pihadong malaki ang epekto nito sa ating laban kontra perwisyong iligal na droga… ‘yun ay kung mapatutunayan na ito ay totoo at tunay na nangyayari. Kaya naman, minabuti kong personal na tanungin si Director Aquino na magbigay ng specific details tungkol sa kanyang akusasyon. I challenged him na pa­ngalanan at ibigay ang mga pagkakataon kung saan may nangyaring recycling ng droga mula sa ating kapulisan. Ang kanyang sagot ay wala siyang maibigay na pangalan at wala rin siyang maibigay na specific instance na nire-recycle talaga ‘yung shabu ng mga pulis. Ito lang daw ang kanyang nakuhang impormasyon mula sa mga asset. Kung ganun, ‘very premature’ ang kanyang deklaras­yon… ito ay ‘sweeping statement’ na maaaring magresulta sa ‘demora­lization’ sa marami pang matitinong pulis na natin. Silang mga seryoso at tapat sa serbisyo at tumutupad sa kanilang responsibilidad sa bawat Pilipino.

Hindi ko naman sinasabing napakalinis ng PNP at walang tiwali sa ating kapulisan, maaaring mayroon pa ring naiwan na naliligaw ng landas o iskalawag. Klaruhin ko lang, hindi natin hangad na mag-cover-up o pagtakpan ang mga pulis na iskalawag dahil hanggang sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang nasimulan na­ting internal cleansing sa PNP sa ilalim ng kanilang bagong pamunuan.

Para maging patas sa mas maraming responsable at tapat nating pulis, sana ay maiwasan ang ganitong mga pahayag kung wala rin naman tayong mailalatag na pruweba o patunay. Uulitin ko, malaki ang epekto nito sa mas nakararami na tama ang ginagawa.

***

Ikinalungkot ng lahat ang biglaang pagpanaw ng dating senador at statesman Jesus Marino ‘Rene’ Gandiongco Espina o mas kilala bilang Senador Rene Espina. Nagsilbi siya bilang gobernador ng lalawigan ng Cebu mula taong 1963 hanggang 1969 at nahalal na senador at miyembro ng 7th Congress sa taong 1970-1973.

Bilang tagapagsulong ng laban kontra iligal na droga, hinahangaan ko si Senador Espina sa kanyang inisyatibo na labanan ang paglaganap ng bawal na gamot sa bansa noong kanilang panahon. Siya ang punente at nagsulong ng kauna-unahang batas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa sinumang mahuhuling nag-iingat, nagtutulak o gumagamit ng illegal na gamot sa ating bansa. Ang tinutukoy natin ay ang Republic Act 6425 na mas kilalang ‘Dangerous Drugs Act of 1972’.

Ito, sa ating palagay ay maaari nang maging deterrent o hadlang sa sinuman na mag-iisip na magnegosyo, magtaglay o maging gumamit ng matagal nang problema ng bayan, illegal drugs.

Sa kasalukuyang panahon, bilang isa na ring senador, masigasig kong isusulong ang pagbalangkas at kalauna’y pagpasa ng mga batas na higit pang magbibigay solusyon sa problemang ito sa ating lipunan. Maraming krimen ang talaga namang naisasagawa bunsod ng perwis­yong bawal na gamot. (Sundan sa pahina 9)

Napapanahon na upang magkaroon tayo ng may pangil na batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa drug convicts. Isa na rito ang pagbabalik ng capital punishment o death penalty. Kailangan nating siguruhin ang mas mapayapa at ligtas na lipunan para sa susunod na henerasyon.
***
Ngayong araw, Miyerkoles ganap na ika-10 ng umaga ay sama-sama ang buong Senado sa pagbibigay ng huling pagpupugay kay Senador Rene Espina. Isang necrological service ang ating dadaluhan, sampu ng kapwa mga senador bilang pagkilala sa napakahalagang kontribusyon ni Rene Espina sa ating bansa at sa buhay ng bawat Pilipino.

One last snappy salute sa iyo Senador Rene Espina!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy