Una sa Balita

Marami ang ginulat at sinorpresa ni VP Leni

0 566

Hindi inaakala ng marami kabilang na ang ilang kaal­yado ng administras­yong Duterte na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang alok sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang kampanya laban sa iligal na droga.

Napapailing marahil ang mga kaalyado ng pangulo dahil hindi umubra ang kanilang pag-bluff sa bise presidente.

Tama ang desisyon ni VP Leni na tanggapin ang hamon na trabaho dahil ito ang magandang pagkakataon na maitama nito ang mga kamalian at kapalpakan sa giyera laban sa droga.

Kung matatawag na pabalat-bunga ang alok ng pangulo na posisyon sa bise presidente ay masasabing napasubo na ang Malacañang.

Buti naman at naitanong ni VP Leni na kung handa na ba ang buong administrasyon sa kaniyang pagpasok sa gabinete.

Malalaman nating lahat kung pilit bang isasabotahe ang bise presidente sa kaniyang bagong tungkulin upang hindi magtagumpay.

Ang kabutihan nito ay maaari nang labas-masok ng Malacañang si VP Leni na anuman ang nangyayari sa loob ng Palasyo ay direktang malalaman na agad nito lalo na sa kondisyon ng kalusugan ng pangulo.

Kung magiging matagumpay rin ang kampanya laban sa illegal drugs ay panalo ito ng taumbayan.

Inaasahan natin na magkakaroon ng ma­laking pagbabago sa kampanya laban sa iligal na droga dahil kung noon ay patay agad ang suspek ngayon ay nais ni VP Leni na buhay at dumaan sa due process.

Bilang isang abogado ay mahihirapang mapalusutan si VP Leni kahit pa wala itong karanasan sa law enforcement.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy