Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mara, JM, Ayegee matindi bakbakan sa ‘TnT’

0 26

Nagbalik sa “It’s Showtime” ang siyam na dating quarterfinalists ng “Tawag ng Tanghalan” para subukang masungkit sa pagtatapos ng linggo ang isa pang pinag-aagawang pwesto sa grand finals.

Sa ngayon, pasok na sa huling tapatan ng kumpetisyon sina Mara Tumale ng Malolos, Bulacan, JM Yosures ng Taguig City, at Ayegee Paredes ng Bukidnon matapos nilang magtagumpay noong nakaraang linggo sa semifinals.

Sa “Resbakbakan” naman ngayong linggo, nagbalik sina Donna Gift Ricafrente, Evelyn Grace Martinez, at Shan Dela Vega ng Laguna, Opalhene Paghubasan ng Muntinlupa, at Isaac Zamudio ng Mandaluyong City. Maghahasik din ng bagsik sa kantahan sina Luis Gragera ng Rizal, at sina Marigelle Aguda, Erwin Diaz, at Rommel Arellano ng Batangas.

Pag-aagawan ng mga singer ang isang seat of power at hahamunin nila ang isa’t isa para makita kung sino ang aangat sa lahat.

Araw-araw, tatlong singers ang naglalaban at ang makakakuha ng pinakamataas na score sa kanila mula sa mga hurado ang uupo sa seat of power. Ang makakakuha naman ng pinakamababang score sa tatlo sa araw na iyon ay magpapaalam na sa kumpetisyon.

Sino kaya sa siyam na ‘resbakers’ ang matitirang matibay at didiretso sa grand finals? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.