Una sa Balita

Mar travel blogger muna

0 87

Sa gitna ng isinasagawang “thank you tour” ni dating Interior Secretary Mar Roxas, inamin nitong nakukursunadahan niyang maging travel blogger upang ikampanya ang mga magagandang tanawin sa bansa.

Sa ipinost nitong komento sa Facebook, nagpaliwanag ang natalong presidential candidate ng Liberal Party (LP) na kaya siya nagsasagawa ng tour ay para pasalamatan ang mga taong nagtiwala sa kanya sa nakaraang halalan.

“Secondly, I’m exploring options as a travel blogger, haha. Nu’ng kampanya, siksik at mabilisan ang schedule namin. Ngayon nae-enjoy ko na ang mga tanawin,” ayon sa post nito.

Inihalimbawa nito ang Naujan Lake sa Oriental Mindoro, ang ika-4 na malaking lawa sa bansa kung saan sagana ito sa isdang tilapia at biya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy