Una sa Balita

Mar Roxas pumalag sa 1M Chinese worker sa ‘Pinas

0 420

KINASTIGO ng ekonomistang si Mar Roxas ang kapabayaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dumagsa ang mga Chinese worker sa bansa habang maraming Pilipino ang nasasadlak sa kawalan ng trabaho.

Ayon kay Roxas, may mga informal estimate na aabot na sa kalahating milyon hanggang isang milyon ang mga manggagawang Tsino ang nasa iba’t ibang industriya sa bansa mula sa construction, IT, casino operation at maging sa food business.

Kinuwestiyon ni Roxas ang pagdagsa ng mga foreign worker gayung maraming mga local ang hindi makahanap ng trabaho.

“Galit ako diyan. Ano ang karapatan nila na mag-insist na ang mga trabahador sa mga pinautang nila sa atin, ay magmula sa Tsina? Eh tayo naman ang umutang. Tayo naman ang magbabayad, dapat Pi­lipino ang magtratrabaho diyan,” sabi pa ni Roxas nang tanungin ng media habang nag-iikot sa Carbon Market sa Cebu City.

Binatikos din ni Roxas ang sistema ng pag-utang ng gobyerno sa Chinese government na silang naglalatag ng kondisyon para lamang makautang.

“Ang informal estimate, more than a million ang nandito na. Ang daming Pilipinong nawalan ng trabaho dahil diyan. Umutang tayo ng mahal na interes, sila pa ang nabibigyan ng trabaho. Anong klaseng transaksyon ‘yan? Para sa akin, hindi fair sa atin yan,” sabi pa ni Roxas na nangakong ipaglalaban ang kapakanan ng mga Pinoy worker kapag nakabalik sa Senado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy