Una sa Balita

Mapua pagugulungin ni Bulanadi, Baste

0 308

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)

2:00pm — CSB vs San Beda U

4:00pm — San Sebastian vs Mapua

MULING sasandal sa opensa ang San Sebastian College Stags kina Allyn Bulanadi at RK Ilagan pagharap nila sa Mapua Cardinals sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Magkakaldagan ang San Sebastian at Mapua alas-4 ng hapon.

Sariwa pa sa Stags ang ginawa nilang pagbingwit ng malaking isda nitong Martes nang talunin nila ang last year’s runner up Lyceum of the Philippine Pirates, 73-71.

Kumayod si Bulanadi ng 28 points habang may bakas na 11 puntos si Ilagan dahilan upang ilista ng Stags ang 9-6 karta at lumakas ang kapit sa magic four.

Sasaluhan ng San Sebastian ang Letran Knights sa No. 3 spot kung makukuha ang panalo sa Cardinals na walang ibang iniisip kundi ang kalsuhan ang kanilang two-game skid.

Matamlay sa simula ang Stags kaya halos buong laro silang naghabol sa Pirates at sa bandang dulo ng fourth ay naging matatag naman sila para maitakas ang mahirap na panalo.

“Una sa lahat, glory to God. Pangit yung start namin, but the boys showed character,” hayag ni head coach Egay Macaraya. “Malaking bagay ito sa amin dahil we are fighting for our lives.” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy