Una sa Balita

Magpapasabog sa Grand Mosque, pinasabog ang sarili

By
0 96

Minabuti ng isang hindi nakilalang lalaki na pasabugin na lamang ang kanyang sarili kasama ang bahagi ng gusaling kanyang pinagkanlungan matapos ito ma-corner ng Saudi security forces sa kanyang apartment, nang malaman ang plano nitong pasabugin ang Grand Mosque sa Mecca.

Nabatid sa Interior Ministry na arestado din ang limang kasamahan nito sa pagpaplano na pasabugin ang Grand Mosque habang nandoon ang ilang mga mananampalataya at puwersa ng pulisya sa kasagsagan ng Ramadan at Eid-al-Fitr.

Bago ang pagpapasabog sa sarili, una nang nagkapalitan ng putok ang umano’y suicide bomber sa mga pulis, at pinasabog ang sarili nito sa kanyang tahanan malapit sa isang mosque na naging teritoryo para sa mga planong pag-atake.

Sanhi ng naganap na pagsabog,gumuho ang apartment dahilan para masugatan ang anim na banyaga at limang miyembro ng pulisya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy