Una sa Balita

Mapalad ang Pampanga

0 518

MAPALAD ang Pam­panga sa pagkaka­roon ng magkapatidna Oshrie James ‘OJ’ at Prince Jhamie Con­stantino Reyes na hindi lang may talento sa chess bagkus ay nage-excell din sa pag-aaral. Si OJ ay 8 years old na grade 3 pupil ng GNC Mon­tessori, Guagua, Pam­panga habang si Prince Jhamie ay 5 years old, nursery student ng EZEE Santa Rita, Pampanga. Sila ay anak ng mag asawang Jubail, Kingdom of Saudi Arabia-based na si Jaime ‘Jimmy’ at Jas­mine.

***

Dahil sa paglaga­nap ng COVID-19 ay na-cancel ang maka­saysayang 22nd City Charter Anniversary ng Urdaneta City na tinampukang 2100 and below non-master chess tournament na pinamagatang Mate­han sa Urdaneta na nakatakda sana sa Marso 21 sa CB Mall sa Urdaneta City, Pan­gasinan.

Hindi din natuloy ang simultaneous ex­hibition ko sana na 25 boards nitong Sabado, Marso 14, sa Donna Christine Academy sa Dalahican, Cavite.

Maghihintay din ng panibagong petsa ang Rredworks 2100 Average Team Rating Open 4×4 Rapid Chess Team Tournament na tutu­lak sana nitong Linggo na gaganapin sana sa League One, Inc. Southgate Mall, Ma­gallanes, Makati City.

Kasama rin sa nag­kansela ng palaro ay ang Golden Mind Chess Club nitong Marso 14, 15 at 28 at maging ang National Chess Champioships sa Olongapo City.

Let’s hope for the best and pray sa kina­haharap na problema hindi lamang ng bansa bagkus sa buong mun­do ayon na din sa kum­pare nating si Arena Grandmaster Almario Marlon Bernardino Jr.

***

Congratulations kina Ebennezer Batul at Dapne Raiz, pare­hong State Auditor II sa COA 3 na nagkam­peon sa kani-kanilang division na 10th Inter-Regional Sportsfest for Luzon Commission on Audit (COA) Chess Tournament na gi­nanap sa Ilagan Hotel sa Ilagan City, Isabela.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More