Una sa Balita

Mapagpalaya sa kaplastikan

0 336

Dear Abante,
Isang mapagpalayang araw mga ka-Abante! Kahapon ay idinaos ang Araw ng Kalayaan.

Bagama’t tapos na ang araw na ito, hindi naman dapat kalimutan ang iba pang puwedeng palayain. Ang Pilipinas ay isa sa mga maraming tambak na basura (kahit nga basura ng ibang bansa ay nasa atin).

Sana’y matuldukan ang isyu na ito, bago pa man sa pangkalahatan, ay simulan na natin sa ating sarili.

Marami sa atin ang hilig kumain sa iba’t ibang kainan. Kaya’t hindi na bago ang paggamit sa mga plastic utensil, sytro cup, at iba pang uri ng kagamitan na madaling gamitin.

Ngunit alam ba natin kung saan napupunta ito? Kung gaano katagal bago matunaw o mawala ang mga ito?

Related Posts

Kung anong maaaring maging epekto nito sa kalikasan, kalusugan, maging sa ating katauhan? Malamang ang iba’y alam ito ngunit pilit pa ring hindi sumusunod.

Ang iba’y sinasabing hindi malinis ang mga kasangkapan kung kaya’t mas pinipilit nilang gumamit ng mga ito. Sa panahon ngayon, marami ng bagay ang nagawa para maiwasan ang paggamit ng mga plastic.

Mayroong mga nabuong package na mayroon ng kutsara, tinidor, at maging straw na gawa sa stainless na maaaring gamitin panghabang buhay.

Sana’y tangkilikin natin ang mga ganitong produkto sapagkat pinakamainam ito para sa bayan maging sa ating sarili. Iwasan na ang mga kaplastikan!
Bio ng Mindoro

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy