Una sa Balita

Mapagkakatiwalaan

By
0 1

Dear Kuya Rom,

Just call me Cherry, at tawagin natin siyang Lester. Isa siya sa mga bestfriends ko mula pa noong mga bata kami. Parang anak ang turing sa kanya ng daddy ko. Hindi niya alam at hindi alam ng daddy ko na may konting crush ako sa kanya.

Pagkatapos ng high school, nag-aral ako sa Manila. Itinuon ko ang aking sarili sa pag-aaral. Wala akong lovelife. Sa awa ng Diyos, college graduate na ako ngayon.

Siya naman ay nakatapos ng college sa probinsiya namin, at ngayon ay may trabaho sa isang kompanyang malapit sa bahay nila. Iyon talaga ang pangarap niya.

Nagbakasyon ako at nagkita kami. Tulad ng dati, pabirong tinutukso niya ako, “Magpakasal na tayo!” Ang aking pabirong sagot ay “Sige, bukas!” at sabay kaming tatawa. Pero nag-iingat ako. Ang biruan namin ay nakakaasar sa girlfriend niya na may dudang aagawin ko ang kanyang boyfriend.

Bumalik ako sa Manila para magtrabaho. Kasi naghahanda ang daddy ko na manirahan kami sa Canada, at gusto niyang magkaroon ako ng job experience. Masu­werteng isang classmate ko ang nagpasok sa akin sa kompanya ng pamilya nila. Natuwa ang father niya, mapagkakatiwalaan daw ako.

Nasa office ako nang mag-text si Lester. Sinabi niyang may feelings siya sa akin, at hindi siya nagbibiro. Ang sabi ko, hindi ako naniniwala, kasi may girlfriend siya.

Related Posts

Napagkamalan

Dahil sa yakap

Gusto niyang magkaroon kami ng date dito sa Manila. Siya lang ang lalaking may mataas na tingin sa akin. Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Naguguluhan ako. Please guide me. Thanks and more power! — Cherry

Dear Cherry,

Isa siya sa mga best friends mo mula pa nang mga bata kayo. Ito ang daan para malaya siyang makapag-text sa iyo.

Inaamin mong may crush ka sa kanya. Personal na lihim mo ito. Kung may konting damdamin ka man para sa kanya, pinipigil mo. Ito ay nagpapakitang very mature ka sa iyong pamumuhay. Mapagkakatiwalaan ka ng mga magulang mo, at employer mo.

Siya naman, malinaw na hindi siya mature, kundi batang-isip at mapaglaro. Sa kanyang ginagawang panliligaw sa iyo ngayon, hindi mo siya dapat paniwalaan at pagkatiwalaan, sapagkat may girlfriend siya.

Kung ito ay hindi biro, maging totoo siya at talikuran ang kanyang girlfriend. Pero kung malinaw na pinag­lalaruan niya ang iyong damdamin, mahalagang putulin mo ang inyong pagkakaibigan. Mabu­ting ipagtapat mo sa daddy mo ang lahat at humingi ka ng payo sa kanya. Manatili kang mapagkakatiwalaan at ikaw ay pagpapalain.

Ilagak mo ang lahat sa Diyos, kasama ang iyong lovelife. Aayusin Niya ang buhay mo. Sa tamang oras, ayon sa Kanyang kalooban, darating ang lalaking iibig sa iyo ng tapat. “Trust in the LORD with all your heart, and do not rely on your own understan­ding. Acknowledge him in all your ways, and he will make your paths straight.” (Proverbs 3:5-6). God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom