Una sa Balita

Manzano sisipa sa Palarong Pambansa

0 440

BIYAHENG Davao City para sa Palarong Pambansa si Servando Manzano II ng Pangasinan 2 matapos mag-qualify sa katatapos na Region 1 Athletic Association (R1AA) 2019 taekwondo tournament na ginanap sa Vigan City.

Pinayuko ng 11-year-old si Alexius Mendella Pajas ng host city sa championship round ng Kyorugi Group 1 division upang makakuha ng ticket sa prestihiyosong labanan ng mga batang atleta na Palarong Pambansa.

Ayon kay Manzano II, tubong Mangaldan, Pangasinan, determinado siyang makuha ang gold medal kahit mas matangkad ang mga nakaharap nito dahil pangarap niyang lumaban sa Palarong Pambansa.

“Matagal ko nang gustong lumaban sa Palarong Pambansa kaya ginawa ko lahat para makapasok ako ngayon,” masayang sabi ni Manzano II na Grade 5 student sa United Methodist Church, Cinderella School, Inc., Mangaldan, Pangasinan.

Bago sumalang si Manzano II sa finals, nakalaban nito sa semifinals si Jeremie Roel Garo ng Laoag City.

Si Manzano II, na anak nina Engineer Jonathan at Percilyn Manzano, ay ginagabayan ng kanyang teacher at coach na si Janice Elcano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy