Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manyakol na aktor sinupalpal ng magandang ekstra

0 71

Kung pinatulan lang ng magandang ekstra ang aktor, malamang hiwalay na ang huli sa kanyang asawa.

Bago pa nagpandemya, nagkasama ang aktor at ang ekstra sa isang teleserye. Maraming eksena na magkasama ang dalawa, kaya nabuo ang pagnanasa ni aktor sa magandang ekstra.

Hindi naman kaseksihan gaya ng kanyang asawa si ekstra, pero makinis at may kakaibang libog ang hatid niya sa mga lalake, kaya naaakit ang aktor.

Nagningas lalo ang elya ni aktor sa ekstra sa mga biruan nila, na umabot sa puntong naging kampante na sila. Feel ni ekstra na may gusto sa kanya si aktor, pero dinedma niya ito para hindi madiskaril ang trabaho nila. Ayaw rin niyang ma-ban sa network.

Pero, dumating ang punto na niyaya siya ni actor sa abroad para magkaroon sila ng panahon sa isa’t isa. Kung hindi pamilyado si actor, papatulan siya ni magandang ekstra.

Pero, tumanggi si ekstra dinaan sa biro si aktor na, “Sus! Ito naman, ‘di tayo talo, friends tayo ano ka ba? Saka ‘wag ganon magkakasala ka pa sa asawa at anak mo.”

Mula noon, dumistansya na si magandang ekstra kay actor.

Well, may history na manyakol si aktor. At ngayon lang siguro siya tinabla ng isang ekstra. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.