Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manyakis na ‘Mr. Do’ naghanap ng masisilo sa lilipatang ahensiya

0 125

Sabik na sabik at atat na atat na umano ang maraming kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makitang lumayas ang ilang mga political appointees sa pangunguna nitong si “Mr. Do” na di lamang naging pabigat sa kagawaran kundi nagdulot pa ng labis na kahihiyan sa kanilang hanay.

Bilang pagbabalik-tanaw, itong si Mr. Do ay sinampahan ng reklamong sexual harassment dahil sa pangmamanyak diumano nito sa isang nakababatang foreign service officer (FSO) na dating nakatalaga sa Estados Unidos.

Kilalang malikot diumano sa aparato itong si Mr. Do dahil hindi lang umano miminsan na nagpakita ito ng kabastusan at kahalayan sa mga babaeng FSO na halos anak na niya ang agwat ng kanilang edad.

Kamakailan ay may kumalat na video si Mr. Do na parang manok na pang-sabong ang puwetan ng isang babae na kinilala lamang sa atin na si alias ‘Darna’.

Itong si Mr. Do rin ang itinuturong nasa likod umano ng “hubad now, fly later,” isang pakana na ang layunin ay makabitag ng may itsurang FSO kapalit ng pagtatalaga sa ibayong dagat.

Ayon sa isang Marites natin sa loob ng departamento, mas madodoble umano ang kanilang kagalakan kung pati si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ay di na maitalaga muli.

Ito ay dahil sa umano’y di kanais-nais na mga karanasan nila sa ilalim ng ‘Twitter-freak’ na kalihim magsimula nang maitalaga ito higit apat na taon na ang nakalipas.

Labis nilang ikinalulungkot ang tila pagtatakip umano nitong si Locsin sa kaso ni Mr. Do, kabaligtaran sa mga pag-aakusa, pagmumura at pang-aalipusta na ginawa nito sa Twitter laban sa ilang kapwa miyembro ng gabinete gaya halimbawa nila Health Secretary Francisco Duque III at Migrant Workers Secretary Abdullah Mama-o.

Related Posts

Pagdaramdam

Bagong kabanata

Ang payo ko lamang sa mga taga-DFA ay huwag muna kayo magsaya at magpa-party dahil malakas ang alingasngas na si Locsin umano ay mananatili pa sa puwesto.

Pero teka, mabalik tayo dito kay Mr. Do. Habang inuupuan ng DFA ang kaso ng pangmamanyak nito, kumalat kamakailan ang balita na ito ay malilipat sa isang malaking kagawaran bilang undersecretary.

Katunayan ay nag ‘ocular’ na umano si Mr. Do sa nasabing tanggapan ilang araw pa lamang nakakalipas ang May 9 election at tila pinagana na ang radar ng kanyang kalibugan.

Isang maganda at kaakit-akit na batang abogada sa loob ng kagawaran ang nangumpisal sa ating intel na nilapitan na umano siya ni Mr. Do at kinuha na nito ang numero ng kanyang telepono!

Dagdag pa ni ganda babae na malagkit umano ang mga tingin nitong si Mr. Do habang pasimpleng hinihingi ang kanyang numero. Wow, DOM na DOM (dirty old man) ang dating ng halimaw!

“He has that vibes nga,” ayon sa text ni magandang abogada sa ating intel.

Marami ang nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng matinong tao sa PIlipinas ay tila makakapuslit pa din ang manyakis na gaya ni Mr. Do at maiisahan ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mayroong suhestiyon ang ilang senior diplomats na kaibigan natin para sa administrasyon ni BBM: Dapat higpitan pa ang pag-rekisa sa mga nagnanais pumasok sa administrasyon dahil kung hindi, mas malamang na may mabiktima na naman ang manyakis na hanggang ngayon ay malayang nakakaikot at mayabang na nagsasalita pa sa mikropono at himpapawid. Ooops!

Leave A Reply

Your email address will not be published.