Una sa Balita

Manyak sa Baguio huling namboboso ng kapitbahay

By
0 666

Kalaboso ang isang lalaki matapos itong mahuli na kinukunan ng video cam ang kanyang kapitbahay na babae sa isang boarding house sa Kayan Extention, Baguio City noong Martes.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), ang biktima ay tinago sa pangalang “Daisy”, 27, isang store manager at ang suspek na tinago sa pangalang Freddie, 22-anyos, may asawa, parehong taga nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon, ayon sa BCPO, sa testimonya ni Daisy, nahuli niya umano na palihim na kinukunan siya ng suspek ng video habang naliligo ito sa banyo sa kanilang boarding house.

Nadiskubre sa imbestigasyon na lihim na kinukunan ng suspek ng mga larawan ang biktima habang naliligo ito sa banyo ng kanilang boarding house.

Dahil dito, sumigaw ang biktima, dahilan para tumakbo palayo ang kapitbahay palabas ng boarding house.

Agad na nagreklamo ang biktima sa BCPO at sa isinagawang follow-up ng mga pulis inaresto ang suspek.

Nakumpiska kay Freddie ang cellphone na ginamit niya sa pag-video sa biktima at nadiskobre ang hubad na video ng biktima sa loob ng kanyang boarding house.

Nakakulong ngayon ang suspek sa BCPO detention cell at sinampahan ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy