Una sa Balita

Manukan sa Bulacan, inangalan sa langaw

By
0 1

Malaki ang posibilidad na maipasara ang isang manukan sa bayan ng Bustos, Bulacan sakaling mabigo ang may-ari nito na makontrol ang polusyong idinudulot nito sa hangin bukod pa sa sangkaterbang langaw na namemerwisyo sa mga residente sa lugar na nakakaapekto sa kanilang kalusugan.

Mismong si Mayor Arnel Mendoza ang nagbabala na mapipilitan siyang magpatupad ng batas laban sa isang manukan sa Barangay Bunga Mayor, Bustos kapag na­bigo ang namamahala nito na maiayos ang kanilang pagkontrol sa masangsang na amoy dulot ng dumi ng mga manok na lubhang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga nakatira sa lugar dahil sa sandamakmak na langaw na pumapasok sa kanilang kabahayan.

Nabatid na napilitan nang magreklamo ang mga residente sa naturang lugar sa pamahalaang-lokal at maging sa lokal na tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)dahil sa laksa-laksang la­ngaw na pumapasok sa mga kabahayan at bunga ito ng mabahong amoy na galing sa manukan na posibleng walang anti-polution devices.