Una sa Balita

Manugang Ni Villar Sawsaw Sa Water Review

0 528

BINUKING ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes na kabilang sa team na nagre-review sa concession agreements ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company ay si Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, manugang ni dating Senate President Manny Villar na siyang nagmamay-ari ng Prime Water Infrastructure Corporation.

“The fact that Usec. Emmeline Villar is part of the DOJ review team is totally irrelevant,” wika ni Guevarra sa harap ng mga reporter.
Sinasabing may conflict of interest ang pagkakaluklok ni Emmeline sa review team dahil asawa ito ni Public Works Secretary Mark Villar na ang magulang ang siyang nagmamay-ari ng Prime Water.

Mayroon nang Joint Venture Agreement ang Prime Water sa 63 water district sa buong kapuluan. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing makabubuting ang Prime Water na lang ang magtake over sa operasyon ng Maynilad at Manila Water sa Metro Manila.

Ipinagtanggol naman ni Guevarra ang pagkakasama ng pangalan ni Emmeline sa review team.

Ayon sa kalihim, siya naman ang mangunguna sa pag-review ng concession agreement at tutulungan din ng Office of the State Council at Office of the Government Corporation Counsel.

“‘Yung units na ‘yun nagka­taon lang under the supervision in Usec. Emmeline Villar,” saad ni Guevarra.

“I’m the one on top in all of this kaya wala puwede makialam niyan na ‘di ko makikita or papayagan ko,” diin pa niya.

Sinegundahan naman ni Emmeline ang paliwanag ni Guevarra sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa review team.

“First of all, I did not lead the review. It was the secretary who lead the review,” wika ni Emmeline sa ambush interview sa Maynila.

“Prior to that review there were already several provisions that were identified as being onerous and that was reported in broadsheets, in news, and that was why the President asked the Department of Justice to conduct a more thorough review,” paliwanag pa niya.

Si Emmeline ay dating DIWA Party-list representative bago ito niluklok sa DOJ noong 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy