Una sa Balita

Manugang ni Trump, naospital dahil sa pulbos

By
0 2,651

ISINUGOD sa ospital sa New York nitong Lunes ang manugang ni US President Donald Trump matapos makatanggap ng hindi mabatid na uri ng pulbos mula sa package na ipinadala sa kanilang bahay.

Ang ‘suspicious package’ ay para umano sa anak ng Pangulo na si Donald Trump Jr.

Sa isinagawang pagsusuri, napatunayan naman na hindi peligroso ang pulbos.

“Thankful that Vanessa and my children are safe and unharmed after the incredibly scary situation that occurred this morning,” tweet ni Donald Trump Jr.

“Truly disgusting that certain individuals choose to express their oppo­sing views with such disturbing beha­vior.”

Labis din ang pag-aalala ni Ivanka Trump sa kanyang hipag, mabuti na lamang at negatibo sa hazardous materials ang pulbos.

Ayon sa ulat, si Vanessa Trump ay isinugod sa Presbyterian-Weill Cornell Medical Center bilang paniguro lang na ang nalanghap nitong pulbos mula sa package ay hindi tulad ng mapanganib na ‘anthrax’.

Noong 2001, pinadalhan ng liham na naglalaman ng anthrax ang ­maraming news media outlet at ­dalawang ­senador. Lima ang namatay sa nasabing anthrax attack.